Magpapatupad ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng bagong online registration system para sa mga Pinoy seaman upang mapadali ang pagpoproseso ng pagkuha ng trabaho sa ibang bansa.

Sinabi ni Labor and Employment Secretary at POEA Governing Board chair Silvestre Bello III na papalitan ng bagong online seafarer registry (OSR) ang Seafarers Registration Certificates (SRC) ng POEA.

Ang SRC ay dokumentong kailangang personal na kunin ng mga Pinoy seaman sa mga opisina ng POEA upang sila ay makapagtrabaho sa ibang bansa. Taglay nito ang kanilang panghabambuhay na ID at personal records.

“The online registry shall benefit around 50,000 SRC applicants per year, and shall remove long lines at POEA offices,” sabi ni Bello sa isang pahayag.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

“POEA shall conduct an extensive information dissemination campaign before the implementation of the online registration system,” paniniyak niya.

Nitong nakaraang linggo, naglabas ang POEA ng resolusyon na nagdedeklara sa pagpapatupad ng OSR para sa mga seaman simula Setyembre 15, 2016.

Ang registration ay paghahanda rin sa plano ng POEA na lumikha ng universal ID para sa marinong Pinoy na tatanggapin sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan at Port State, bilang pagtalima sa International Labor Organization (ILO) Convention No. 185 o ang Seafarer’s Identity Document (SID) Convention. (Samuel P. Medenilla)