JULIE ANNE copy copy

KUNG may Bea Alonzo at Gerald Anderson ang ABS-CBN, may Julie Anne San Jose at Benjamin Alves naman ang GMA-7. Ang kaibahan nina Julie Anne at Benjamin, kumpirmadong exclusively dating na sila, as announced by Benjamin himself.

Hindi kailangang itago nina Benjamin at Julie Anne na nagdi-date sila at kahit magkaroon sila ng relasyon dahil wala silang love team na iingatan at pareho silang single.

Pilit lang nilalagyan ng isyu ng ibang fans ang dating panliligaw ni Benjamin kay Glaiza de Castro at may nag-aakusa na ngang inagaw ni Julie Anne kay Glaiza ang aktor. May nag-aakala pang not in good terms ang dalawang babae.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

“No issue between Glaiza and I. Hindi man kami close, pero nagbabatian kami ‘pag nagkikita and the last time we saw each other was when she guested in Sunday Pinasaya. Nag-promote sila ng mga Sang’gre ng Encantadia. Labas ako kung may isyu sila ni Benjamin,” paglilinaw ni Julie Anne.

Isyu rin sina Benjamin at Julie Anne sa ilang fans naman nina Julie Anne at Elmo Magalona na hindi pa rin maka-move on na love team lang ang dalawa noong nasa GMA-7 pa si Elmo. Ngayon, si Janine Gutierrez na ang GF ni Elmo.

Isyu rin ang pagkaka-link ni Julie Anne kay Benjamin sa ibang AlDub fans na tila ayaw makitang masaya si Julie Anne at gusto yata’y forever nilang i-bash si Julie Anne dahil lang minsan siyang na-link kay Alden.

Actually, wala naman talagang dapat ipagselos ang ilang AlDub fans dahil hindi naman nagkaroon ng relasyon sina Julie Anne at Alden Richards. Sana, uso ang move on sa JuliElmo fans, sa fans nina Benjamin at Glaiza at Aldub fans para lahat happy.

Anyway, bale second round na itong pagkaka-link nina Benjamin at Julie Anne dahil last year, na-link na rin sila, pero walang nangyari. Mas mabilis ang kaganapan ngayon at may terms of endearment na nga ang dalawa.

“Boo” raw ang tawagan nina Benjamin at Julie Anne at napansin ng BenLie fans na ‘Your Boo’ ang nakasulat sa display picture ni Julie Anne sa Instagram.

Sana nga magtuloy sa magandang relasyon ang nangyayari kina Benjamin at Julie Anne. Everybody deserves to be happy! Hindi lang sina Elmo at Janine at hindi lang sina Alden at Maine Mendoza. (vNITZ MIRALLES)