Labintatlong kabataan ang nasawi sa aksidenteng pagsabog sa isang bar sa Rouen, Normandy, sa hilagang France kahapon ng umaga, at maraming iba pa ang nasugatan, ayon sa pulisya ng Rouen.

Sinabi ng saksi sa CNN na isinara ang pangunahing kalsada sa lugar at nagtayo ng security perimeter sa paligid ng Le Cuba Libre bar.

Ayon sa saksi, nasa 15 fire truck at maraming police car ang sumugod sa bar sa Avenue Jacques Cartier.

Batay sa report ng local media, may birthday party sa bar at nasa edad 18-25 ang mga biktima. - CNN

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo