RIA ATAYDE LANG_pls crop copy

MASUWERTE si Ria Atayde na halos isang taon pa lang simula nang pumasok sa showbiz pero kaliwa’t kanan na ang offers.

Pagkatapos mapanood sa Maalaala Mo Kaya noong Mayo at sa seryeng Ningning ay mapapanood naman siya sa 100th episode ng Ipaglaban Mo ng mag-amang Atty. Jose at Jopet Sison. Napapanood ang Ipaglaban Mo tuwing Sabado, pagkatapos ng It’s Showtime.

Boyish ang papel ni Ria at natatawa kami dahil challenge ito sa kanya dahil sabi nga namin ay wala kaming makitang ‘bakas’ sa kanya para gampanan ang role.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Oo nga, Tita Reggee, medyo nahirapan nga ako, pero sa tulong ng aming direktor, nagawa ko naman po,” sabi ng dalaga.

Ipinakita sa amin ni Ria ang itsura niya sa mga eksena nila ni RK Bagatsing na siyang bida sa episode at tawa kami nang tawa dahil hindi talaga siya bagay sa mga suot niyang shirt, maong pants at rubber shoes.

Kaibigan ni Ria si RK sa kuwento na ipagtatanggol niya dahil napagbintangan sa kasalanang hindi naman nito ginawa at may diperensiya ito sa pag-iisip.

Natutuwa ang na nakakasama niya ang magagaling na artista dahil nakakakuha siya ng sa acting bukod pa sa Kuya Arjo Atayde at nanay (Sylvia Sanchez) niya.

Pero sabi ni Ria, gusto niyang magkaroon din siya ng sarili niyang tatak sa showbiz at hindi ‘yung nasa anino lang siya ng kuya at nanay niya.

“Pero as of now, Tita Reggee, I’ll take it slow muna. Naniniwala naman ako na darating din ako sa gusto kong mangyari. Masaya lang kasi halos lahat ng nakakasama ko magagaling na artista kaya kailangan pagbutihin para hindi naman ako maiwanan,” sabi ni Ria.

Walang boyfriend ang dalaga nina Art Atayde at Sylvia.

“Career muna, tita, saka na ang boyfriend, kung talagang gusto nila ako, hihintayin nila ako, he-he-he.”

May mga nanliligaw sa dalaga, pero kinakaibigan silang lahat kaya siguro nahihiya nang ituloy ang panliligaw at ang ending, ‘barkada’ na lang sila. (REGGEE BONOAN)