NGAYONG Linggo (Agosto 7) sa iBilib, isang masaya at nakakamanghang episode ang ihahatid kasama ang Philippine Cosplay Queen na si Alodia Gosiengfiao bilang celebrity guest.

Tuklasin kung kaya bang paikutin na parang merry-go-round ang isang tower ng mga basong may tubig na patung-patong lang at kung posible ba na patunugin ng usok mula sa dry ice ang isang pito. Samantala, matuto kung paano gumawa ng flipsticks o mga simpleng laruan na may nakatutuwang illusion na gawa sa mga ordinaryong bagay.

Samantala, samahan sina James at Rodfil at mga high school atheles na iBilibers sa kanilang experiment sa paggawa ng Bilibabol human bench habang gagawa naman si Alodia ng glow-in-the-dark cotton candy.

Hosted by Chris Tiu, tumutok sa iBilib para sa masayang pag-aaral tungkol sa mundo ng science ngayong Linggo, 9:35 ng umaga sa GMA.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kumuha ng latest updates tungkol sa iBilib mula sa official website ng GMA Network www.gmanetwork.com at sa official Facebook na www.facebook.com/GMANetwork.