JULIE ANNE AT ALDEN copy

KAWAWANG Alden Richards, naba-bash na naman dahil lang sa regalo ni Mr. Tony Tuviera sa cast ng Sunday Pinasaya na trip sa Japan sa pagsapit ng first anniversary ng Sunday show this August. Co-produced ng APT Entertainment at GMA-7 ang nasabing show.

Ang ipinagre-react ng ibang Aldub fans ay magkakasama sina Alden at Julie Anne San Jose na parehong mainstay ng SPS.

Ang laki pa rin ng selos ng ilang Aldub fans kay Julie Anne kahit paulit-ulit nang sinabi ni Alden na wala silang naging relasyon at ang love team ni Maine Mendoza ang importante at priority sa kanya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ito’y kahit may Benjamin Alves nang nali-link kay Julie Anne at kung walang kokontra, baka maging sila na.

Ang argument ng ilang selosang Aldub fans, bakit iiwan ni Alden si Maine? Saka, bakit daw nang magbakasyon ang dabarkads sa Hong Kong na kasama si Maine, hindi sumama si Alden? Bakit ngayon sasama siya sa Japan?

Hindi ba’t pagkalaki-laki ng problema ng fans?

Sa September pa ang Japan trip ng SPS mainstays na kung wala namang gagawin si Alden at kung gusto niyang sumama, walang isyu dapat dahil kasama naman talaga siya sa show. Pero hindi pa nga sinasabi ni Alden kung sasama siya sa Japan, heto at binabato na naman siya ng paninira, intriga at kung anu-ano pang mga kanegahan.

Kung sasama sa Japan si Alden, sunud-sunod ang pag-a-abroad niya dahil may show sila nina Dennis Trillo, Derrick Monasterio at Tom Rodriguez sa Amerika billed Heartthrobs sa September. (Nitz Miralles)