BILLY AT COLEEN2 copy copy

DALAWANG taon na ang relasyon nina Billy Crawford at Coleen Garcia at nag-celebrate sila noong Hulyo 23 sa pamamagitan ng lunch sa Antonio’s restaurant sa Tagaytay via chopper ride from Manila.

Napag-uusapan na ba nila ang future nilang dalawa.

“Of course naman,” sagot ni Billy, “hindi naman maiiwasan ‘yun for two years at sobrang close na ako sa family niya and she’s close with mine, papunta na rin doon ‘yan. I just want her to continue to grow as an actress, I just want her to fulfill her dreams muna,” sagot ni Billy.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Kung ako kasi magpapakasal ngayon, gusto kong ibuhos ‘yung pagiging asawa ko sa kanya, so I would rather stop and just focus on that. Pero siya rin, she wants to do the same to give her all, kaya we have to be sure kung kailan talaga.”

Pero hindi pipigilan ni Billy si Coleen na magpatuloy sa trabaho sa showbiz kapag kasal na sila.

“Well, nasa sa kanya na rin ‘yun, that’s her, kasi kung may offer din, siguro iko-continue niya. Pero sa akin kasi, 30 years na rin ako dito sa industriya, so it’s been a long, long time so ‘pag ako nag-asawa, sana mapunta rin doon ‘yung oras ko sa family ko,” sabi ng aktor.

Walang deadline o time frame na ibinibigay si Billy kung kailan sila lalagay sa tahimik ni Coleen.

“Hindi natin puwedeng lagyan ng time frame ang relationship, we really just have to go with the flow. Kung ano ang sinasabi ng puso mo, makikinig ka ba, magiging tanga ka ba o hindi.

“What we have now I’m cherishing and everyday, may natutunan ako sa kanya and vice versa, so we just take it our time, bata pa naman siya, I want her to be comfortable naman,” sabi pa ni Billy.

Hindi selosong boyfriend si Billy, sa oras man sa trabaho, sa leading man o sa gay friends ni Coleen.

“Ay, sa mga ganu’n hindi naman ako nagseselos. In all honesty kasi, si Coleen naman, eh, hindi naman siya flirt.

‘Yung tiwala namin sa isa’t isa, ‘yun ang importante sa amin and I support her sa lahat ng trabaho niya, especially, trabaho is trabaho,” sabi nito. (REGGEE BONOAN)