ALEX copy copy

NA-BASH ng fans ni Justin Bieber si Alex Gonzaga dahil sa ipinost niya sa Instagram na tanga ito sa pang-iiwan kay Selena Gomez.

Nanood kasi ng concert ni Selena si Alex at nag-post siya ng picture ni Selena na nilagyan niya ng caption na “Ganda mo girl! Tanga ni Justin.”

Dinumog si Alex ng bashers na pawang fans ni Justin. Kahit in-edit at pinalitan na niya ang caption, hindi pa rin siya tinigilan ng Biliebers. Harsh daw ng caption ni Alex, at paninirang puri ang ginawa niya. Binalikan siya at siya ang tinawag na tanga, mapanghusga at bungangera.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

May mga nagbanta pa kay Alex na ita-tag nila si Justin sa post niya pati ‘yung una niyang caption. Para bang papansinin pa ni Justin ang kaguluhan sa IG ni Alex dahil lang sa caption nito tungkol sa kanya (Justin).

May iba namang natawa at naaliw lang sa caption ni Alex dahil naintindihan nilang nagbibiro lang siya at sila na rin ang nagsasabi sa fans at bashers ni Alex na kumalma ang mga ito at mag-move on na sa isyu.

Ang ending, ang fans ni Justin at fans ni Alex na ang nagsasagutan at nag-away at kinailangan nang makialam ni Alex.

Nakakatawa ang comment ni Alex na, “Sensya na dami naman Justin, di ko alam kabagang n’yo pala siya! Wala naman apelyido.” Pero may mga hindi naniwala sa comment ni Alex dahil alangan naman daw na si Justin Timberlake ang tinutukoy niya.

Humirit pa rin si Alex ng, “Init ulo mo, dami mo inaaway, girl. Relax and just believe ‘coz you’re a Belieber.” Kaso humirit pa rin ang tinukoy ni Alex at sumagot ng, “Nang-aaway ba ako? Tinawag mong tanga idol ko ‘tapos sasabihan mo ‘kong magrelax.”

Laugh trip uli ang hirit ni Alex na, “Katropa n’yo si Justin? Pizzz awtz” at “Pasado ka na, puwede ka na nya nanay.

Kalma” at ang, “Salamat sa maayos mong reply at sana ikaw ang gawin n’yong leader sa tropahan n’yo ni Justin.

Pasensya na, nadala, bugso team girl ako. Kung may number lang ako ni Justin tinext ko na siya. Kalma lang.”

Nang huli naming bisitahin ang IG ni Alex, tumigil na ang fans ni Justin Bieber sa pamba-bash sa kanya at hindi na rin sumagot si Alex.

May ginagawang pelikula sa Regal Films si Alex, ang My Rebound Girl katambal si Joseph Marco. Sana malapit na ang playdate nito para mag-presscon na at para matanong siya tungkol sa isyung Alex vs. Justin Bieber fans.

(Nitz Miralles)