Mula sa pagiging lider, nanganganib ngayon ang last conference champion Phoenix na malaglag sa pinag-aagawang top two spot sa 2016 PBA D-League Foundation Cup.

Natalo sa huling dalawa nilang laro kontra Café France at Racal, posible pang tumapos sa labas ng unang dalawang posisyon ang Accelerators papasok ng playoffs.

Kaya naman tiyak na pipilitin ng Phoenix ang pagkakataon na patuloy na buhayin ang kanilang tsansa sa hinahabol na twice-to-beat incentive sa pagsagupa nila sa Blustar Detergent sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayon sa JCSGO gym sa Cubao, Quezon City.

"Must win para sa amin yung last two games. But we're looking it the same way we did all conference, one game at a time," pahayag ni coach Eric Gonzales.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa kasalukuyan, nasa ikatlong puwesto sa team standings ang Accelerators at kailangan nila ng talunin ang Dragons at defending champion Bakers sa susunod na laban para makahirit ng three-way tie sa top two spot.

Ganap na 6:00 ng gabi ang pagtutuos ng Phoenix at Blustar pagkatapos ng unang laro sa pagitan ng mga sibak ng AMA Online Education at Topstar ZC Mindanao. (Marivic Awitan)