OSWIECIM, Poland (AP) – Piniling pananahimik upang ipakita ang kanyang pakikiramay, binisita nitong Biyernes ni Pope Francis ang dating Nazi death factory sa Auschwitz at Birkenau at hinarap ang mga nakaligtas sa concentration camp, gayundin ang matatanda na tumulong sa pagpapatakas sa mga Hudyo. Isang apela naman ang isinulat ng Santo Papa sa guest book: “Lord, forgiveness for so much cruelty!”

Maliban sa sandaling pangungumusta sa mga survivor at rescuer, ginugol ni Pope Francis sa taimtim na pananalangin at pagmumuni ang halos dalawang oras niyang pananatili sa mga death camp.

Ang tanging mensaheng nagmula sa Oaoa ay ang isinulat niya sa guest book, sa wikang Espanyol: “Lord, have mercy on your people! Lord, forgiveness for so much cruelty!”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina