Darating sa bansa si Michael Carter-Williams ng Milwaukee Bucks para pangasiwaan ang gaganaping NBA 3X Philippines 2016 sa Agosto 19-21, sa SM Mall of Asia Music Hall.

Magsisilbing hurado ang 2014 NBA Rookie of the Year sa torneo na itina taguyod ng Panasonic. May kabuuang 200 player ang inaasahang sasabak sa 3-on-3 play.

“I’m excited to visit the Philippines and experience Filipino fans’ passion for basketball during the NBA 3X. Being a part of this event is a great opportunity to see the growth of the game internationally, and I look forward to working with these talented athletes,” sambit ni Carter-Williams.

Kinuha ng Philadelphia bilang 11th overall pick si Carter-Williams mula sa Syracuse sa 2013 NBA Draft. Kaagad siyang nagpamalas ng kahusayan para tanghaling Rookie of the Year at unanimous choice sa 2013-2014 NBA All-Rookie Team.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang 3-on-3 tournament ay lalaruin sa Under-13, Under-16, Under-18, at open divisions para sa batang lalaki at Under-16 at open para sa kababaihan. Itatampok din ang celebrity division.

Nagsimula ang pagpapatala ng lahok nitong Hulyo 29 sa www.nba3x.com/philippines.

Makatatanggap ng libreng NBA 3 jersey ang lahat ng kalahok at naghihintay ang special na premyo sa mga mangungunang player. Para sa age division, may P1,000 registration fee kada koponan at P1,600 sa open division.