Maine AT Alden copy

PAIWAS pa rin ang mga sagot nina Alden Richards at Maine Mendoza kapag tinatanong tungkol sa real score nila.

Na-bash na naman tuloy si Alden nang mapanood sa Real Talk nina Christine Jacob-Sandejas at Rachel Alejandro sa CNN Philippines ang pahayag niya tungkol sa relasyon nila. Ang sagot niya ay may ‘mutual understanding’ sila. Hindi ipinaklaro ng hosts kung ano ang ibig sabihin ng mutual understanding nila ni Maine, at hindi ito nagustuhan ng fans.

Si Maine ang tinanong kung ano ang kahulugan ng ‘mutual understanding’ na sinabi ni Alden.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Sa literal meaning ng mutual understaning, nagkakaintindihan kami ni Alden sa lahat ng mga bagay-bagay,” sagot ni Maine. “Nagkakaintindihan kami sa mga sentiments namin sa buhay.”

Kung ituring silang ‘mag-MU’, depende raw kung paano i-interpret ng publiko, pero para sa kanila ni Alden, nagkakaintindihan sila sa lahat ng bagay. 

Isa pa, deeper na ngayon ang relasyon nila kaysa noon.

Lumalabas na rin ba sila na sila lamang dalawa, no friends, no cameras to record?

“Yes po, every once in a while, iba rin po kasi ang bonding namin kung kami lang dalawa ang magkasama, off-camera.”

Inisa-isa ni Maine kung ano ang ideal guy para sa kanya: “Hindi po ako tumitingin sa physical appearance, sa ugali talaga ako tumitingin; gentleman, magalang, mabait at understanding.”

Sa mga sinabi ba niya, qualified si Alden?

“Opo, pasok na pasok po siya. Siguro po naman nakikita ninyo ang ginagawa niya sa akin in front of the cameras at ganoon din ang nakikita ng mga tao sa kanya off-camera kung nakikita nila kami sa labas.”

Ibig bang sabihin, ready na siyang makipag-boyfriend kay Alden?

“Opo, ready naman po ako.”

Pero nang tanungin si Maine kung nanliligaw ba sa kanya si Alden, paiwas pa rin pero nakangiti ang sagot nila, tulad pa rin ng pag-iwas ng producers ng pelikula nilang Imagine You & Me na sagutin kung magkano na ang total gross ng movie nila na nasa third week na ngayon. 

Sabi na lamang ng isang mapagkakatiwalaang source: “Basta ang kinita ng movie ay very real, tulad din ng nakikita ninyong very real relationship nina Alden at Maine.” (NORA CALDERON)