SEOUL, South Korea (AP) — Sinuspinde ng International Olympic Committee (IOC) si South Korea’s Moon Dae-Sung bilang miyembro ng Olympic body bunsod ng alegasyon na kinopya niya ang kanyang doctoral thesis.

Ayon sa IOC nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) na mananatili ang suspensiyon ni Moon hangga’t walang inilalabas na desisyon ang Supreme Court ng South Korea kung saan dinidinig ang kanyang apela.

Iginiit ng IOC na ang desisyon ay nirekomenda ng Ethics Commission bunsod ng malaking kasiraan sa reputasyon ng Olympic movement. Nakatakdang matapos ang walong taong paninilbihan ni Moon bilang IOC member sa pagtatapos ng Rio Olympics sa Agosoto 30.

Matapos magwagi ng gintong medalya sa heavyweight division sa taekwondo noong 2004 Athens Games, ipinagpatuloy ni Moon ang career sa international sports administration at nagsilbi siyang mambabatas sa South Korea’s Parliament mula 2012 hanggang 2016.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakumpleto niya ang doctorate sa sports psychology sa Kookmin University noong 2007, ngunit binawi ito matapos maglabas ng desisyon ang eskwelahan sa isinagawang imbestigasyon na kinopya lamang niya ang isinumiteng thesis.

Bilang ganti, idinemanda ni Moon ang Kookmin, ngunit kinatigan ng lower court ang desisyon ng eskwelahan.