Ipinanukala ni Sen. Panfilo Lacson na ikulong at pagmultahin ang mga anak na mag-aabandona o magpapabaya sa kanilang mga magulang.

Sa kanyang Senate Bill 257 (Parents Welfare Act of 2016), ang sinumang anak o mga anak na mapatutunayang nagpabaya sa mahihina nang magulang ay sasampahan ng kasong kriminal, pagmumultahin, ikukulong at oobligahin ng sustento batay sa kalkulasyon ng korte.

Ang sustento ay puwedeng lump sum, buwanang allowance o depende sa pagtantiya ng korte sa kakayahan ng anak o mga anak at kapag hindi nagawa sa loob ng anim na buwan ay papatawan sila ng P100,000 multa at isa hanggang anim na buwang pagkabilanggo. Ang mga anak na tuluyang mag-aabandona sa kanilang mga magulang ay magmumulta ng P300,000 at makukulong ng anim hanggang sampung taon.

Nakasaad din sa panukala ang pagtatayo ng mga Old Age Home at ang bawat pasilidad ay may kakayahang magkanlong ng 50 matatanda. (Leonel Abasola)

Tsika at Intriga

MUPH, kinondena pang-ookray ng vlogger kay Chelsea Manalo