ZSA-ZSA-AT-KARYLLE copy

YEAR 2014 ikinasal si Karylle sa Spongecola vocalist/guitarist na si Yael Yuson. Simula noon, lagi na lang inaabangan ng kanilang followers ang pagbubuntis, lalo na’t buntis ngayon ang co-host niya sa It’s Showtime na si Mariel Rodriguez. Curious ang fans kung kailan makakabuo sina Karylle at Yael.

Sabi ni Karylle sa isang panayam, kahit marami ang nagbubuntis ngayon, naniniwala pa rin siya na darating ang para sa kanila sa tamang panahon.

“Mga next year pa siguro,” aniya. “Mayroon lang mga work na kailangan gawin.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Daily nga naman ang kanyang noontime show, meron pa siyang product endorsements at out-of-town shows.

Samantala, hindi nakaiwas si Karylle sa tanong tungkol sa status ng kanyang inang si Zsa Zsa Padilla pagkatapos ng break-up nito sa boyfriend na si Conrado Onglao ilang buwan pa lamang ang nakakaraan.

Ang press release kasi ni Zsa Zsa, naka-move on na ito sa hiwalayan.

“I think marami namang nakakaalam, ‘yung family namin nakatira abroad so lahat ng mga kapatid niya nandoon, so magkakasama sila,” sagot ni Karylle.

Naitanong din kung paano niya natutulungan, bilang anak, ang ina para maka-move on.

Nakakaaliw na pahayag ni Karylle, kinumpiska niya ang social media accounts ng ina.

“Para hindi niya makita ‘yung mga comments ng mga people. Pero mababait naman rin ‘yung mga tao, actually. Very, very ano sila, prayerful and supportive, so I’m thankful din,” aniya. (ADOR SALUTA)