RIO DE JANEIRO (AP) – Tinanggap ng isang Brazilian judge ang mga kaso laban kay dating President Luiz Inacio Lula da Silva dahil sa umano’y pakikialam sa imbestigasyon sa kaso ng kurapsiyon na kinasasangkutan ng pinangangasiwaan ng gobyerno na kumpanya ng langis na Petrobras, na nagbigay-daan sa pagsisimula ng paglilitis sa isa sa pinakatanyag na pulitiko sa kasaysayan ng Brazil.

Sa desisyong isinapubliko nitong Biyernes, nakipagsabwatan umano si Silva sa limang iba pa upang tiyaking mananahimik sa isyu ang isang dating opisyal ng Petrobras na dawit sa eskandalo. Hindi pa naitatakda ang petsa ng paglilitis.

Naging pangulo ng Brazil simula 2003 hanggang 2010, agad namang itinanggi ni Silva ang nasabing akusasyon.

Nitong Huwebes, naghain ng petisyon sa U.N. Human Rights Committee ang mga abogado ni Silva ay iginiit na hindi naging patas at umabuso sa kapangyarihan ang hukom na nag-iimbestiga sa Petrobras scandal.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina