Dennis-Trillo-4 copy copy

MALAPIT-LAPIT na rin ang pagwawakas ng sexy romantic-comedy series nina Dennis Trilllo at Heart Evangelista kaya tinanong namin si Dennis, nang bumisita kami sa set ng Juan Happy Love Story, kung paano niya gustong mag-end ang serye nila.

“Siguro, kung saan matutuwa ang mga manonood,” sagot ng aktor. “Sa ngayon kasi, hiwalay kami ni Happy (Heart) at live in kami ni Agatha (Kim Domingo), pero alam ko gusto ng mga televiewers, based sa pagtu-tweet nila, na gusto nilang magkabalikan na kami ni Happy. Bahala po ang mga writers namin at si Direk LA Madridejos.”

Nanghihinayang si Dennis na matatapos na ang series, dahil mas naging maganda ang pagsasama nila ni Heart, hindi tulad noong una silang magtambal sa Dwarfina, na lagi lang naka-chroma si Heart, hindi sila magkasama sa shoot ng eksena.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Biniro namin si Dennis tungkol kay Kim, comfortable ba naman siyang katrabaho ang sexy actress?

“Noong una medyo nailang ako, hindi kasi ako sanay na mataas sa akin ang katambal ko, pero later on, naka-adjust na rin ako. Madali namang katrabaho si Kim at mahusay siya.”

Siya ba sa totoong buhay, kung tulad sa kuwento ay may asawa na siya, matutukso pa siya sa ibang babae na kasing seksi ni Kim?

“Hindi na, kapag kasal na ang isang lalaki sa kanyang asawa, dapat hindi na siya matukso sa ibang babae, dapat good boy na lang siya.”

Natawa si Dennis nang may magkomento na makaaasa pala si Jennylyn Mercado na hindi na siya titingin sa ibang babae kapag ikinasal na sila.

May susunod na ba siyang soap sa GMA after ng Juan Happy Love Story?

“Wala pa po, ayaw ko rin namang sundan agad itong series namin dahil baka magsawa ang mga televiewers. Kaya masaya ako na may movie akong gagawin with Anne Curtis and Paolo Ballesteros under Jun Lana, for Viva Films.

“May out of the country din akong shows, meron sa New Jersey, ang Hearthrobs with Alden Richards, Tom Rodriguez and Derrick Monasterio. May show rin kami ni Julie Anne San Jose sa Canada.”

Napapanood ang Juan Happy Love Story gabi-gabi pagkatapos ng Descendants of the Sun. (NORA CALDERON)