SYDNEY (AP) – Inisnab ng gobyerno ng Australia ang kahilingan ni dating Prime Minister Kevin Rudd noong Biyernes na suportahan ang kanyang paghahangad na masungkit ang pinakamataas na puwesto sa United Nations matapos ang ilang buwang pangangampanya.

Umasa si Rudd, ang New York-based president ng Asia Society Policy Institute, na pormal siyang iendorso ng gobyerno ng Australia para maging kapalit ni U.N. Secretary-General Ban Ki-moon na bababa sa puwesto sa Disyembre 31.

Ngunit sinabi ni Prime Minister Malcolm Turnbull na pakiramdam niya ay hindi kuwalipikado sa trabaho si Rudd at hindi niya ito susuportahan.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture