Iniluklok muli bilang pangulo ng Philippine Lawn Tennis Association (PHILTA) si dating Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Col. (ret.) Salvador “Buddy” Andrada.

Pinalitan niya ang nagbitiw na si Paranaque City Mayor Edwin Olivares.

Ngunit, nagkaroon nang mainitang pagtatalo hingil sa ginawang eleksiyon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Ipinatawag ni PHILTA Secretary General Romeo Magat ang eleksiyon para pagbotohan ang bagong PHILTA president dahil sa pagbibitiw ng president na si Mayor Edwin L. Olivarez.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Subalit , tinutulan ito ni Fernando “Randy” Villanueva, ang vice president ng grupo, dahil sa kawalan ng “proper notification” sa Board of Trustees na sinuportahan ng ama nito na si Julito Villanueva at Virgilio Gerardo Maronilla.

Idinahilan din ni Villanueva na batay sa sitwasyon ng pagbibitiw ni Olivares, nararapat lamang na palitan lamang ito sa pamamagitan ng “succession” at hindi na sa eleksiyon.

Para matapos ang usapin, inirekomenda ni dating coach at member na si Manuel Misa ang “division of the house” kung saan mamayani ang grupo ni Andrada.

Nahalal din kasama ni Andrada si Maronilla bilang Treasurer kung saan papalitan nito si Mrs. Edna Nguyen.

Napag-alaman naman sa isang opisyales na may basbas ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose Cojuangco ang pagluklok kay Andrada kontra kay Villanueva na kung saan ang family business ay pagbebenta ng mga pasilidad at kagamitan sa tennis.

Magsisilbi si Andrada sa natitirang termino ni Olivarez bilang presidente hanggang 2018. (Angie Oredo)