ITINANONG kay Piolo Pascual sa presscon ng Sun Life’s Money For Life campaign kung apektado ba siya sa kumakalat na photos nila ng kanyang anak na si Iñigo Pascual na magkayakap.

Sagot ni Papa P, hindi na siya nasorpresa na binibigyan ng malisya ng ilang netizens ang naturang viral photo nilang mag-ama na in-upload ng kanyang personal assistant na si Moi Bien.

Paliwanag ng aktor, sadyang ganoon sila ka-affectionate ng kanyang anak sa isa’t isa.

“Hindi ko na pinagtakhan ‘yun. ‘Yun talaga ‘yung nature ng tao, eh, mapagmasama, ‘yung mapagduda. Eh, my son didn’t see me for two months, you know, so ganu’n kami ka-affectionate sa isa’t isa so mainggit na lang sila, di ba?”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Makailang beses nang binanggit ni Piolo sa mga nakaraang panayam sa kanya na hindi na siya apektado sa mga pamba-bash sa kanya sa social media.

Kumbaga, nasa punto siya ng kanyang career na halos lahat ay gusto siyang pabagsakin. Pero nauunawaan niya ang sitwayon.

“Sa tagal ko ba naman sa industriya, papatol pa ba tayo? Kinikibit-balikat na lang ‘yun and mas maraming may kuwentang kailangang gawin sa buhay kaysa pumatol,” sey ni Papa P.