FOR BANNER_Nagpakilig ng mga manonood si Tom Rodriguez sa Pinoy Fiesta and Trade Show sa Toronto copy

TILA worldwide fiesta ang selebrasyon ng nakaraang 118th Philippine Independence Day sa Kuwait, United Arab Emirates, Qatar, United States of America, Canada, at United Kingdom nang makisaya ang ilan sa mga pinakamaniningning na Kapuso stars.

Naging makulay at puno ng saya at kultura ang iba’t ibang pagtitipon ng mga Pilipino sa ibang bansa. Nagsilbing exclusive media sponsor sa mga pagdiriwang ang tatlong Kapuso international channels na GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV International.

Nag-umpisa ang kasiyahan sa “Kalayaan sa Kuwait” kasama si 2013 Miss World Megan Young na ginanap sa Qadsia Sports Club sa Hawally, Kuwait sa pangunguna ng Filcom, ang grupo ng iba’t ibang Filipino organization sa Kuwait, noong May 29.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Si Megan din ang dumalo sa Philippine Independence Day celebration sa Veterans Park, Carson City, California noong June 11, at ginawaran siya ng pagkilala mula sa California Senate, City of Los Angeles, City of Carson at ng Philippine Independence Day Foundation of Carson na siyang nagtaguyod ng event.

Si Lovi Poe naman ang nagtungo sa United Arab Emirates upang makipagdiwang kasama ang ating mga kababayan sa “118th Philippine Independence Day in Dubai” sa pamumuno ng Philippine Independence Day Celebration Organizing Committee kasama ang Philippine Consular Office in Dubai, na ginanap sa Dubai World Trade Center noong June 3.

Marami rin ang nabighani kay Andrea Torres nang mag-perform siya sa “Kalinangan 2016” sa Sheraton Hotel na pinamunuan ng United Filipino Organizations Qatar at ng Philippine Embassy sa Qatar.

Samantala sa Canada, walang tigil ang saya at tawanan kasama sina Tom Rodriguez at Betong Sumaya sa “Pinoy Fiesta and Trade Show in Toronto” noong June 18 sa Metro Toronto Convention Centre, sa pangunguna ng Philippine Canadian Charitable Foundation.

Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ay nakiisa sa ating mga kababayan sa United Kingdom para sa “Birmingham-Sandwell-West Midlands Fiesta Celebrations,” ang pinakamalaking pagdiriwang ng mga Pinoy sa West Midlands, na ginanap sa Lightwoods Park noong Hulyo 3. Ito ay itinaguyod ng non-profit community group na Birmingham Filipino-British Community Volunteers.

“These events across the globe are truly a festive and heartwarming reminder of what it is to be Filipino to those who are far away from home,” sabi ni GMA First Vice President and Head of International Operations Joseph T. Francia.

“As the global Filipino community continues to expand, GMA Pinoy TV will also continue to reach more of our kababayans abroad, wherever they may be in the world.”

Para sa karagdagang detalye sa international events ng GMA Pinoy TV, i-like lamang ang GMA Pinoy TV sa Facebook, www.facebook.com/GMAPinoyTV, at i-follow sa Twitter at Instagram gamit ang handle @gmapinoytv. Para sa impormasyon tungkol sa pag-subscribe sa GMA Pinoy TV, GMA Life TV at GMA News TV International, bisitahin ang website www.gmapinoytv.com.