Maine copy copy

TSIKA ng aming source, nagpaalam daw si Vico Sotto sa daddy niyang si Vic Sotto para ligawan si Maine Mendoza at pinayagan naman daw ito ng TV host/actor.

Naka-dinner namin nitong nakaraang weekend ang aming source at kaswal nitong nabanggit na type ni Vico si Maine kaya naging interesado kami siyempre sa kuwento.

Dagdag pa ng source, hindi lang ito ibinabalita kasi nga ayaw ni Vico na makasira siya sa love team nina Maine at Alden Richards dahil tiyak na iba-bash siya ng AlDub supporters.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Hmmm, kaya pala ‘pag nasa remote ang Eat Bulaga at ay dumadaan si Vico at talagang asikaso niya ang dalaga.

Pero makahulugan naman ang mensahe ni Maine kay Alden nu’ng nag-anibersaryo sila kaya ano ba talaga ang totoo, Yaya Dub?

Para sa amin, mas bagay sina Alden at Maine, pero kung hindi naman showbiz ang gustong makatuluyan ng dalaga, e, puwede naman si Vico.

Nang silipin namin ang Twitter account ni Vico, may mga nabasa kaming komento ng followers niya na, ‘bagay kayo ni Maine.”

Sa madaling sabi, open secret naman pala na itong panliligaw ng binata nina Vic at Ms. Coney Reyes? (REGGEE BONOAN)