Ni NITZ MIRALLES

Kylie Padilla
Kylie Padilla
HINDI pinanood ni Kylie Padilla ang original na Encantadia para hindi niya magaya ang acting ni Iza Calzado na unang gumanap bilang Amihan. Kaya pagmamalaki niya na sarili niyang atake ang mapapanood sa pagganap niya sa role ni Sang’gre Amihan, ang Diwata ng Hangin.

Ang nakatutuwa, hindi nag-audition si Kylie sa role ni Amihan kundi sa role nina Pirena, Danaya at Alena. Kaya laking gulat niya nang ibigay sa kanya ang role ni Amihan.

“Feeling ko inihanda ako ni Papa (Robin Padilla) na maging si Sang’gre Amihan dahil kahit noong bata pa ako, tini-train na niya ako sa arnis, Muay Thai, gymnastics at iba pang klase ng martial arts. Medyo mas madali sa aking gawin ang fight scene at action scene ko rito, pero siyempre, nag-training pa rin ako. I’m happy sa mga ginawa ko sa fight scenes,” wika ni Kylie.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Kuwento pa ni Kylie, excited at proud si Robin na napasama siya sa Encantadia at alam niyang kapag may free time ito, panonoorin ang fantaserye lalo na kung may mga eksena siya.

Natawa si Kylie nang biruin ng press people na kung nakapasa ang ex-boyfriend niyang si Aljur Abrenica na nag-audition sa role ni Ybarro, nagkasama at nagkatambal pa sana sila.

Sa istorya ng Encantadia, mag-iibigan sila at magkakaanak pa. Wala raw siyang kinaalaman kung bakit hindi nakapasa sa audition si Aljur.