Pinabulaanan ng kampo ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang mga alingasngas na masususpinde siya sa puwesto.

Sa official Facebook at Twitter account ng alkalde, sinabi ni Erap na ipinapakalat lamang ng mga kalaban niya sa pulitika ang ulat na masususpinde siya sa susunod na buwan upang siya ay siraan.

“Wala talagang katigil-tigil sa pagpapakalat ng kasinungalingan ang grupo ng kandidatong tinalo - not once, but twice! - ni Mayor Joseph Ejercito Estrada. Sa Agosto raw ay masu-suspend si Mayor Erap ng 180 days. HINDI PO TOTOO ITO!” bahagi ng paskil ng kampo ng alkalde sa social networking sites.

“Tuloy tuloy lang po ang trabaho ni Mayor Erap para maibalik ang sigla ng Maynila….Huwag po tayong maniniwala sa mga press release ng mga desperado!” dagdag dito. - Mary Ann Santiago
Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?