DIREK MIKE, TONY TUVIERA AT KRIS copy

MARAMI ang naintriga sa Instagram post ni Kris Aquino na picture niya kasama sina Mr. Tony Tuviera ng APT Entertainment at Tape Inc. at Direk Mike Tuviera.

Kasama ang picture ng tatlo sa Flipagram na ipinost ni Kris na kinabibilangan ng mga taong naka-meeting niya last Friday.

Ang caption ni Kris sa Flipagram post niya, “How was your Friday? Mine was productive-lunch meeting with the Ayala Malls boss Rowena Tomeldan & Mark Sablan for our Potato Corner+Nacho Bimby expansion together with Potato Corner Joe Magsaysay (by year’s end we’ll own & operate 8 branches), then I had an exciting merienda meeting with Direk Mike Tuviera & Mr. T himself, Tony Tuviera (sa sobrang daming napag-usapan umabot kami sa dinner), and I came home to sign partnership papers for @kamisetaph’s Kris Aquino collection just in time for Christmas 2016.”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Dahil sa meeting with Mr. Tuviera and Direk Mike, may mga nag-wish na gumawa ng pelikula si Kris kasama sina Alden Richards at Maine Mendoza. May mga nag-isip namang lilipat si Kris sa GMA Network dahil identified ang mag-amang Tuviera sa Kapuso Network, pero ang wish nila, manatili sa ABS-CBN si Kris.

Matatandaang nag-rave si Kris sa Imagine You & Me movie nina Alden at Maine na pinamahalaan ni Direk Mike at isa sa mga producer ang APT Entertainment.

Well, ano nga kaya ang pinagmitingan ng tatlo? (NITZ MIRALLES)