JULIE ANNE copy

BIDANG-BIDA si Benjamin Alves sa presscon ni Julie Anne San Jose para sa announcement ng release ng kanyang Chasing The Light album under GMA Records.

Nalaman kasi ng press na nagiging close ang dalawa at madalas na may convo (conversation) sa Twitter na ikinakikilig ng kanilang fans.

Lalo pang kinilig ang fans nina Julie Anne at Benjamin sa “I like him” na pag-amin ng dalaga. Pero hindi niya masagot kung nanliligaw sa kanya ang aktor, ito na lang daw ang tanungin.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Nang tanungin namin si Benjamin tungkol kay Julie Anne, “what you see is what you get” at ayaw nang mag-elaborate.

Kaya hayun, hina-hunting si Benjamin ng press people at wishing sila na madagdagan ang pahayag nito.

Samantala, very proud si Julie Anne sa bago niyang 10-track album na ang carrier single na Naririnig Mo Ba ay agad nagustuhan ng kanyang fans at isa sa mga rason kung bakit agad nag-number one sa iTunes. Sariling composition ni Julie Anne ang carrier single pati ang isa pang track na Not A Game.

“Experience ng friends ko ang concept ng Naririnig Mo Ba, nagra-rant sila sa akin ng mga problema nila. Kasama rin sa concept ng song na nasaktan ka at parang ayaw mo na, bitter ka sa life. It is also a warning to be careful sa mga susunod na tao na darating sa buhay mo,” pagbabahagi ni Julie Ann sa istorya sa likod ng hit single from her Chasing The Light album.

Sa July 31, sa Sunday Pinasaya ang TV launch ng Chasing The Light, nauna na ang fans launching sa SM Fairview Terraces last Sunday. Nagsimula na rin ang album tour ni Julie Anne and this Sunday, nasa Pavilion Mall sa Biῆan, Laguna siya. (Nitz Miralles)