AIM Global members at VIPs sa Gala Night copy

ANG isa sa pinakamalaking kumpanya sa larangan ng multi-level marketing na Alliance In Motion Global Inc. (AIM Global) ay nagdiwang ng kanilang ikasampung taon sa industriya. Tatlong araw na ipinagdiwang ang naturang okasyon na may tema na “A Decade of Passion, Service, and Excellence” simula Mayo 27 hanggang 30.

Ang tatlong araw na anniversary celebration ay dinaluhan ng mga miyembro galing sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at mundo, tulad ng Asia, Middle East, Europe at United States.

Inumpisahan ang pagdiriwang sa launching ng kanilang AIMcademy — isang buong araw na training na para sa product awareness and presentations. Ang mga trainor ay pinangunahan ng top executives ng AIM Global, sa pangunguna nina Dr. Ed Cabantog (CEO), Engr. Francis Miguel (CFO) at Mr. John Aspirin (CMO), kasama ang dalawang vice presidents na sina Arnel Limpin at Jurgen Gonzales at ang kanilang medical consultant na si Dr. Butch Villena.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kabilang din sa mga naging tagapagsalita ang itinuturing na eksperto sa larangan ng multi-level marketing na si Mr. Art Jonak na sinusugan naman ng iba pang banyagang mga panauhing tagapagsalita na sina Mr. Dean Moris (Nature’s Way Master Herbalist), Mr. Bill Robbs (Weider Global Nutrition), Dr. James Bauly (DSM Nutritional Product) at Dr. Rudy Simons (Frutarom Switzerland).

Ang ikalawang araw ng selebrasyon ay idinaos sa Philippine Arena sa Bulacan, na dinaluhan ng libu-libong mga miyembro ng AIM Global. Ang pagdiriwang ay napuno ng kasiyahan, lalo pa’t ito ay umaapaw sa pagtatanghal mula ng sikat na performers sa bansa.

Unang nagtanghal si Ely Buendia para sa pre-event show. Sumunod na nag-perform si KZ Tandingan ng kanyang mga pinasikat na awitin at lalo pang napuno ng sigla at hiyawan ang buong lugar nang mag-perform na si Bamboo ng kanyang hit songs. Pagkatapos ng pagtatanghal, ang mga dumalo ay nagsisigawan pa rin ng “more” dahil tila nabitin dahil sa sobrang kasiyahan.

Nang gabing iyon, naganap din ang pagpapakilala, presentasyon, at grand parade ng mga delegado mula sa iba’t ibang panig ng mundo, AIM Global speakers bureau, top leaders, international speakers at VIPs. Naganap din ang pagpapatotoo at testimonya ng new millionaires, at gayundin ng mga global ambassadors.

Sa gitna ng walang humpay na kasiyahang dulot ng pagdiriwang ay muling nasorpresa ang lahat nang biglang ihayag ang pagkakaloob ng $30,000 donasyon mula sa Nature’s Way at Natural Life Asia, para sa Alive Foundation na pinamumunuan ni Dra. Connie Cabantog ng AIM Global na mahigit 30,000 pamilya na ang nakatanggap ng tulong pinansyal at medikal simula nang itatag noong 2008. Isa pang sorpresa ang ipinahayag sa pagkakaloob din ng $10,000 donasyon para sa naturang foundation ng Weider Global Nutrition. Winakasan ang ikalawang araw ng selebrasyon sa pamamagitan ng pamimigay ng tatlong bagong kotse sa pamamagitan ng raffle.

Sa ikatlong araw, bilang pagwawakas ng grand celebration, ang AIM Global ay muling naghandog ng eksklusibong prestihiyosong black-tie event sa grand ballroom ng Solaire Hotel Resort and Casino, at nagtanghal naman ang mahusay at magandang si Julie Anne San Jose. Isang marangyang gala night ang nasabing pagtitipon na dinaluhan ng umaabot sa isang libo katao bilang pasasalamat ng pamunuan sa kanilang nakamtang tagumpay at katatagan sa loob ng sampung taon sa larangan ng pagnenegosyo.

Dalangin ng pamunuan ang patuloy na tagumpay sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat sa awa at patnubay ng Poong Maykapal. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang kanilang website na www.AllianceInMotion.com. Maaari ring i-like ang kanilang Facebook page www.fb.com/AIMGLOBALOFFICIALPAGE.