JESSY copy

NAAPEKTUHAN na ba si Jessy Mendiola sa isyu sa kanila ni Angel Locsin at pinag-aaway sila ng kanya-kanyang fans?

Napansin kasi ng ilang fans ni Angel ang sagot ni Jessy sa tanong sa kanya tungkol sa ex ng soon-to-be boyfriend niyang si Luis Manzano.

Tinanong si Jessy sa binabanggit niya noon na girl crush niya si Angel at ang sagot ni Jessy, “I really admired her a lot.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Napansin ng reporter na “admired” ang ginamit na word ni Jessy, past tense, kaya muli siyang tinanong kung bakit past tense ang patungkol niya kay Angel?

“Yeah, sorry. It all went out the window,” sagot nito na sinabayan ng paghagis ng tissue paper.

Kaya hayun, nagkaroon na naman ng rason ang bashers ni Jessy na putaktihin siya ng negative comments.

Gustong malaman ng netizens kung ano ang nakapagpabago sa paghanga niya kay Angel at bakit.

Anyway, rarampa si Jessy as 2016 FHM Sexiest. Isa sa inaabangan ay kung darating si Luis to watch and cheer Jessy.

(NITZ MIRALLES)