Untitled-1 copy

IDINOKUMENTO ni Shannen Doherty ang pag-ahit niya ng kanyang buhok habang nilalabanan ang breast cancer.

Isinapubliko ng aktres ang diagnosis sa kanya noong nakaraang Agosto nang kasuhan niya kanyang dating business manager. Sa claim, inakusahan ng bituin ng Charmed at 90210 ang kanyang manager sa hindi pagbabayad ng kanyang health insurance premiums, dahilan upang mapaso ang coverage para sa aktres.

Noong Martes, nag-post si Shannen sa kanyang Instagram account. Sa isang photo, niyayakap siya ng kanyang inang si Rosa Doherty. Sa isa pa, kinukunan siya ng litrato ng kaibigang modelo na si Anne Marie Kortright habang ginugupit niya ang kanyang buhok.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Naunang nang-post si Shannen ng litrato na may caption na “Cupcake pan, chocolates and a razor.... Stay tuned.

@annemkortright has got this. #cancersucks #thankgodforfriends,” upang manukso na kakalbuhin niya ang kanyang ulo.

Kasunod nito ay binaha ng well wisher ng social media followers ang aktres.

“Still as beautiful as when I watched you on 90210. Keep fighting the fight. You got this girl,” komento ng isang follower niya. (CNN)