Lady Gaga at Taylor copy

NAGLABAS na ng pahayag si Lady Gaga hinggil sa hiwalayan nila ng longtime love na si Taylor Kinney.

“Taylor and I have always believed we are soulmates. Just like all couples we have ups and downs, and we have been taking a break,” kumpirmasyon ng singer sa Instagram noong Martes kasama ang black and white photo na magkaakbay sila.

Kamakailan, tinapos nina Gaga, 30, at Kinney, 35, ang kanilang engagement pagkaraan ng limang taong pagsasama. Nag-propose ang Chicago Fire actor noong Valentine’s Day 2015 sa Joanne’s Trattoria, ang restaurant na pag-aari ng pamilya ng singer sa Manhattan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“We are both ambitious artists, hoping to work through long-distance and complicated schedules to continue the simple love we have always shared. Please root us on. We’re just like everybody else and we really love each other,” sa hulihan ng post ng singer ng Born This Way.

Noong Martes, nakita si Gaga sa Malibu, California, kasunod ng kanyang bakasyon sa Cabo, San Lucas, Mexico, na nakita siyang hindi na suot ang kanyang Lorraine Schwartz engagement ring. 

Isang source naman ang nagsabi sa PEOPLE na: “She’s working on an album, he’s working on his show, they aren’t in the same state, it was just hard. They both love each other very much and they want it to work. It’s just been tough with the long distance.” (People.com) (Isinalin ni Adrianne Diaz)