maine at alden_PLS CROP copy copy

MAGING si Mr. Teddy “Boy” Locsin Jr. ay nanood ng Imagine You & Me nina Alden Richards at Maine Mendoza, at nag-post sa kanyang Instagram account ng: “The problem with IMAGINE YOU AND ME is that one cannot imagine a better or equal sequel. Like Zefferelli’s movie, it will prove sui generis.”

Binanggit pa ni Mr. Locsin na sa SM Aura siya nanood last Wednesday. Ang ibig sabihin ng ‘sui generis’ ay ‘a kind of its own’ o ‘unique.’

Samantala, naipalabas na naman last Wednesday ang interview nina Christine Jacob at Rachel Alejandro sa morning talk show nilang Real Talk sa CNN Philippines kina Alden at Maine. Bago naganap ang interview, nanood muna si Christine ng Imagine You & Me, at nagulat at na-amuse daw siya dahil screaming of the moviegoers ang sumalubong sa kanya nang pumasok siya ng sinehan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ayon kina Alden at Maine, ang Imagine You & Me ang naging work with vacation and konting pasyal nila without bodyguards, dahil hindi sila gaanong kilala roon. Hindi nga naman katulad dito sa Pilipinas na kilala sila maging ng maliliit na bata. Bale iyon ang naging special time nila sa isa’t isa, naging closer at lubos silang nagkaintindihan sa lahat ng ginagawa nila, and they enjoy each other’s company.

Nagkatawanan nang tanungin si Alden kung pumapayag ba siyang may ibang guy na lumalapit kay Maine. Okey daw naman sa kanya, pero may limit pa rin para sa guy at nakangiting sabi kay Maine, ‘makuha ka sa tingin’ (seloso talaga si Alden).

Ano ang memorable na eksena sa pelikula? Alden: “Iyong scene na sinabihan ko si Gara na ‘please don’t break my heart like this because binuo mo na ako’.” Para kay Maine, iyong light moments, pero hindi na siya nag-elaborate at baka raw hindi na manood ang mga tao kapag nalaman nila ang istorya.

Nagpasalamat sila sa lahat ng mga nakapanood na at nag-invite sa mga manonood pa ngayong nasa second week na ang movie nilang idinirihe ni Mike Tuviera. Inimbita rin nila ang mga fans para sa block screenings nila sa ibang bansa.

Nalaman ng hosts na hindi pa pala nakakapunta si Maine sa Palawan, samantalang twice na si Alden. Sabi ni Christine, dapat silang pumunta sa Coron, dahil napakaganda. Kaya baka doon naman ipasyal ni Alden si Maine, tulad noong pumunta sila ng Boracay nang mag-celebrate ng 21st birthday si Maine.

Natanong din ang dalawa tungkol sa mga bashers.

“Hindi na po lamang namin pinapansin ang mga napakaraming bashers but open naman kami sa constructive criticisms.”

Kaya ang sabi ni Rachel, “You guys are the real thing.” (NORA CALDERON)