Piolo copy

MAGKASAMANG haharap sa presscon ng Sunlife Philippines bukas ang dating magka-love team na sina Piolo Pascual at Judy Ann Santos-Agoncillo. 

Pormal na ipapakila na silang dalawa na ang opisyal na brand ambassadors ng Sunlife. 

Sa ilang taon ding pag-iiwasan, mukhang ngayon lang yata muling haharap sa press na magkasama sina Juday at Papa P. Kaya siyempre, ngayon pa lang ay marami nang reporters ang excited na makausap nang sabay ang dalawa sa pinakasikat pa ring Kapamilya stars. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Siyempre, kasama sa itatanong sa dalawa kung matutuloy pa ba ang muli nilang paggawa ng pelikula na alam naman nating lahat na matagal nang nire-request ng kanilang fans at hinihintay din maging ng mga showbiz people mismo.

Sey ni Papa P noong mga nakaraang interview sa kanya, more than willing siyang gumawa uli ng movie with Judy Ann.

Nabanggit na rin naman ni Juday na kung may right project at talagang nababagay sa kanilang dalawa ang roles na gagampanan, siya mismo ang gagawa ng paraan para matuloy na this time ang muli nilang pagsasama sa pelikula. 

Pero dagdag rin naman ni Juday, bigyan lang siya ng konting panahon para makapagpapayat dahil ayaw naman niyang magmukhang mascot ng dating pinakapaborito niyang leading man sa pelikula man o sa telebisyon. 

Samantala, bukod kina Judy Ann at Piolo, kasama rin bilang mga bagong brand ambassadors ng Sunlife Philippines sina Madam Charo Santos-Concio at Matteo Guidicelli. (JIMI ESCALA)