DAGUPAN CITY, Pangasinan – Napatay makaraang manlaban umano sa mga pulis at mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 1 ang leader ng isang drug group na kumikilos sa Ilocos Sur.

Nagpatupad ng search warrant ang mga tauhan ng PDEA-1 at Ilocos Sur Police Provincial Office sa pagsalakay sa bahay ni Roger Cinco, sa Barangay Pug-os, Cabuagao, Ilocos Sur, nitong Martes ng umaga nang magtangka itong tumakas hanggang paputukan ang mga awtoridad.

Nasamsam mula sa bahay ni Cinco ang dalawang baril at mga bala, isang plastic sachet na may hinihinalang shabu, at drug paraphernalia. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Barangay chairman sa Ilocos Norte, pinagbabaril