CAPAS, Tarlac - Wala nang pinipili ngayon ang mga kilabot na riding-in-tandem criminals at kamakailan ay pinagbabaril nila ang isang 29-anyos na babae matapos bumaba sa isang pampasaherong jeep sa tapat ng Death March Replica sa Sitio Malutong Gabun, Barangay Cut-Cut 1st, Capas, Tarlac.

Sinabi ni Senior Insp. Francis Magadia, deputy chief of police ng Capas, na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan si Filipina Bautista, ng Malonzo- Dapdap sa Bamban.

Sa imbestigasyon ni PO3 Aladin Ao-as, dakong 10:00 ng umaga nitong Martes at sakay si Bautista sa jeep ni Roberto Dela Peña, 41, ng Bgy. Aranguren, nang pumara ito sa Sitio Malutong Gabun at pinagbabaril ng mga suspek. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog