Makaraan ang makasaysayang cocking season na pinaharian ni Engr. Sonny Lagon (Blue Blade Farm) bilang Cocker of the Year, ang Ultimate Fighting Cock Championships group (UFCC) ay naghahanda na para sa isang kapana-panabik na stag season.

Ang 2016 UFCC Stag Derby ay kapapalooban ng 17 yugto (16 6-stag at 1 7-stag derby) kung saan ang 1st hanggang 8th Leg ang siyang Circuit One, samantalang ang 9th hanggang 16th ang magiging Circuit Two. Ang 17th Leg na isang 7-stag derby ang season ender kung kailan malalalaman ang overall champion o Stagfighter of the Year.

Itinataguyod ng Thunderbird Bexan XP at Thunderbird Platinum, ang maalamat na labanan ay magbibigay ng cash at trophy para sa lahat ng leg champion, Circuit One & Circuit Two top entry at P1 milyon para sa Stagfighter of the Year.

Ang entry fee para sa lahat ng 6-stag derby ay P33,000 bawat leg, samantalang sa huling leg na 7-stag ay P55,000.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang iskedyul ng laban ay sa Setyembre 10, 17, 24; Oktubre 1, 8, 15 & 22 sa Las Piñas Coliseum. Ang Circuit One ay matatapos sa 8th Leg na nakatakda sa Lucky Sports Complex sa San Pablo, Laguna.

Lilipat naman ang labanan sa Ynares Coliseum sa Nobyembre 8, 12 & 14, pagkatapos ay pupunta sa La Loma Cockpit sa Nobyembre 19, bago muling babalik sa Ynares Coliseum sa Nobyembre 24 at 26.

Ang 16th Leg ay muling itatanghal sa Lucky Sports Complex, samantalang ang season-ender 7-stag derby ay gaganapin sa Ynares Coliseum sa Disyembre 3.