“Wag nang pagbayarin ang mga bagong graduate sa mga dokumentong kailangan para sa trabaho.

Sa Senate Bill 343 ni Sen. Grace Poe, aalisin ang bayarin sa mga dokumento sa gobyerno na kailangang kunin ng mga bagong graduate para sa paghahanap ng trabaho, gaya ng NBI, Police at Barangay clearance, at iba pang proof of identification.

Giit ni Poe, sa hirap maghanap ng trabaho, hindi naman makatarungan kung lalo pang pahirapan ang mga bagong graduate sa pagbayad ng mga dokumento.

Kailangan lamang isumite ng bagong graduate ang kopya ng kanyang diploma, certificate o liham mula sa institusyon kung saan siya nagtapos para ma-avail ang waiver sa mga babayarang dokumento. (Leonel Abasola)

Tsika at Intriga

MUPH, kinondena pang-ookray ng vlogger kay Chelsea Manalo