Iginiit ni Senator Leila de Lima na hindi siya natatakot sa pag-atake sa kanya sa mga social media kaugnay sa naging posisyon niyang imbestigahan ang sunud-sunod na patayan sa mga hinihinalang sangkot sa droga.

Aniya, ang kalinisian ng kanyang konsensya at ang Saligang Batas ang tangi niyang sandata para labanan ang mga nanninira sa kanya.

“My only defense is a clear conscience and my fidelity to the Constitution and the law. But if they think I will be cowed or intimidated, they’re grossly mistaken,” ani De Lima.

Pahayag ito ni De Lima kasunod ng pagkalat sa social media na dumalo umano ito sa birthday party ni Herberth Colango, sa loob ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

National

Abogado, nagsalita kung bakit sumuko kliyenteng si Quiboloy

Si Colangco ang isa sa mga drug pusher na sinasabing kaibigan ni De Lima noong ito pa ang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Pero iginiit ng kampo ni De Lima na ang nasa larawan ay si Rep. Alfred Vargas ng Quezon City at kuha ito sa birthday party ni De Lima sa DOJ noong Agusto 2015. Kinumpirma na rin ni Vargas na siya nga ang kabanggaang-siko ni De Lima at nakasuot ng sunglasses dahil may sore-eyes daw siya noon.

Wala umanong balak si De Lima na usigin ang mga nasa likod nito, gayundin sa mga utak ng ‘mapanirang’ video na lalabas laban sa kanya.

 “I know that I’m now a subject of incessant vicious attacks in the social media. But I don’t intend to dignify them by probing into who’s behind them and why. It will just be a waste of time. Pinapasa- Diyos ko na lang mga ganyan,” ani De Lima. (Leonel Abasola)