FB_IMG_1468645477634 copy

FINALLY, nag-story conference na ang pelikulang gagawin ni Angel Locsin kasama sina Zanjoe Marudo at Sam Milby titled Third Party handog ng Star Cinema na ididirek naman ni Jason Paul Laxamana.

May recall na ang pangalan ni Direk Jason Paul dahil siya ang direktor ng blockbuster na Love Is Blind ni Kiray Celis kasama si Derek Ramsay ng Regal Entertainment.

Ito ‘yung sinasabi sa amin ni Angel dati na may pelikula siyang gagawin pero hindi pa niya alam ang titulo dahil nga wala pang storycon, pero nabanggit niya na kasama nga niya ang dalawang aktor.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Excited ang aktres sa bago niyang movie project dahil nga ang huli niya ay ang Everything About Her pa kasama sina Congresswoman Vilma Santos-Rector at Xian Lim na idinirek naman ni Joyce Bernal.

As of this writing ay hindi puwedeng gumawa ng teleserye si Angel dahil kailangan pa niya ng sapat na pahinga sa spine.

Tungkol naman sa balitang lumalabas na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

“Wala naman akong masasabi kasi lalabas din naman ang totoo na sila na,” say ni Angel. (Reggee Bonoan)