Arthur at Rochelle copy

POSTPONED muna ang kasal nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap this year, baka next year na matuloy, at isa sa mga rason ang pagiging busy ni Rochelle sa taping ng Encantadia. 

Malaking fantaserye ito, malaki at importante ang role ni Rochelle bilang si Agane na kanang-kamay ni Hagorn at kailangan ng konsentrasyon.

“Matutuloy pa rin naman ang kasal namin, hindi lang this year. Maybe next year at nagpaalam naman ako sa kanya.

Mga Pagdiriwang

BALITAnaw: Ang Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar

Naintindihan niya ako at sinusuportahan niya ako. Biggest role na ibinigay ng GMA-7 sa akin ang role ni Agane, kailangan kong patunayang tama sila sa pagpili sa akin,” paliwanag ni Rochelle.

Nang mag-audition si Rochelle sa Encantadia, ang role ni Agane na unang ginampanan ni Leila Kuzma sa unang bersiyon ng fantaserye talaga ang pinuntirya niya. Ayaw niyang maging Sang’gre dahil takot siya sa pressure. Pero nang mag-taping na sila, na-realize niyang kahit anong role ang kanilang gampanan, may pressure pa rin.

Lalo na at sa Lunes na, July 18, ang grand pilot nito. Alam ng buong cast, staff, crew at GMA-7 na marami ang tututok at ang iba, para makahanap ng butas na mapintasan ang requel ng fantaserye. Pero siniguro ni Rochelle at ng ibang cast na magugustuhan ng televiewers ang Encantadia, lalo na ng mga Encantadiks.

Samantala, hindi matapus-tapos ang pasasalamat ni Rochelle sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya.

“Tingnan n’yo naman, nasama ako sa Yes! 100 Most Beautiful Stars of 2016. Nakasama rin ako sa Sexiest ng FHM, kasali pa ako sa Encantadia at masaya ang love life ko at may understanding at mapagmahal na fiancé. Wala na akong mahihiling pa kundi magpasalamat na lang,” pagtatapos ni Rochelle. (Ador Saluta)