SUNSHINE AT MGA ANAK copy

GUSTUHIN man ni Sunshine Cruz na manahimik at huwag nang patulan ang mga paninira ng “netizens” ay napilitan pa rin siyang magsalita.

Nadismaya siya sa mga komento sa social media ng “netizens” na alam naman daw niyang ang mga kapatid ng dating asawa niyang si Cesar Montano.

Pinapalabas ng mga naninira kay Sunshine na sinungaling siya, dahil hindi naman daw siya ang humimok sa mga anak para lapitan ang ama nang magkita ang mga ito sa Resorts World.

Mga Pagdiriwang

BALITAnaw: Ang Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar

“Well, salamat na lang sa nag-forward sa akin ng mga mensahe nila. Humihingi na lang ako ng pasensiya sa mga nakakita nito. I just want everybody to understand our situation and misery for the past years and I want people to know why it is better for the kids and I to stay as far as we can away from them,” sabi ni Sunshine.

Dagdag pa ng aktres, may mga tao talaga na hindi magiging masaya para sa mag-ama at gumagawa ng isyu ang mga ito para palabasin na siya na naman ang masama.

“Gusto lang nila kaming saktan. Can’t they just be happy for the kids this time? Kids asked their father for protection from them but my ex asked for proof that his siblings are doing these things,” sabi pa ni Sunshine.

Aware siya na may mga taong gusto silang ipagtanggol na mag-iina pero ang ginawa raw ni Cesar ay hindi pinakinggan ang mga ito at sa halip ay ipina-block.

Idinamay pa ng mga ito ang pagiging malakas daw ngayon ni Cesar kay Pres. Rodrigo Duterte kaya natatakot na raw ang aktres.

Patanong silang sinagot ng isang tagapangtanggol ni Sunshine kung bakit hindi sila masaya sa pagkikitang muli ng mag-ama.

“Tingnan mo ang nangyari. Grabe talaga ang mga kapatid ni Buboy at ganu’n na rin siya. I tried at ginawa ko ang alam kung tama nang gabing ‘yun pero pagkakamali ko pala ‘yun. Now I regret sa ginawa kong pagpapalapit ng mga anak ko sa ama nila, kasi sila ngayon ang kinakawawa,” malungkot na pahayag ng aktres na super busy ngayon sa seryeng Dolce Amore.

Nagalit na rin ang panganay ni Sunshine na si Angelina na idinaan nito sa Twitter, dahil sa malisyosong isyu na muling binuhay na hindi raw tunay na anak ni Cesar ang kapatid niyang si Cheska. Kaagad namang sinagot ni Sunshine si Angelina, na kilala naman nila pareho kung sino ang may pakana sa mga paninira sa kanya at sa bunsong kapatid na si Chesca.

Nakakuha naman ng maraming kakampi sina Sunshine at Angelina at isa na rito si Christine Bersola-Babao na nagsabing hinding-hindi siya naniniwala sa malisyosong intriga sa bunsong anak nina Sunshine at Cesar Montano, huh!

(JIMI ESCALA)