Akessandra copy

MAPANGAHAS na gagampanan ni Alessandra de Rossi ang papel ng isang inang lalaban para maisalba ang buhay ng anak na hinostage ng kanyang mismong asawa sa isang makapigil-hiningang episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong gabi.

Bata pa lang si Emily (Alessandra) nang iniwan sila ng kanyang ama. Dahil sa masamang karanasang iyon, ipinangako ni Emily sa kanyang sarili na hindi dapat maranasan ng kanyang mga anak ang kanyang sinapit. Sa kasamaang palad, iniwan si Emily ng kanyang unang asawa nang ipanganak niya ang kanyang panganay na si Cheska (Xyriel Manabat).

Pagkaraan ng ilang taon, makikilala ni Emily si Larry (Joem Bascon) at mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Magpapakasal sila at susubukan muli ni Emily na magkaroon ng isang buong pamilya. Magkakaroon sila ng dalawang anak, sina Rose (Alora Sasam) at Chona (Joan Bugcat). Masaya na sana si Emily sa kanyang buhay hangga’t noong nalaman niya na nalululong na pala si Larry sa bawal na gamot.

Isang araw, habang nasa labas si Emily, pumasok si Larry sa bahay at hinostage si Cheska. Paano ito haharapin ni Emily?

Kasama sa upcoming episode ng MMK sina Maris Racal, Maureen Mauricio, Rez Cortez, at Zarah Mae Dilegoro. Ang episode ay mula sa panulat ni Nikki Bunquin at sa direksiyon ni Dondon Santos.

Samahan ang MMK sa paggawa ng mas magaganda pang alaala sa ika-25 anibersaryo nito at bisitahin ang mmk.abs-cbn.com.

Huwag din itong palampasin tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.