Bumaba ang mga export o iniluluwas na kalakal ng bansa, ng 3.8 porsiyento sa $4.7 billion noong Mayo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes.

Pangunahing dahilan ng pagbaba ang malaking paghina sa mga shipment ng kemikal at iba pang produktong mineral, ayon pa sa ahensiya.

Bumaba ang electronics at semiconductors, bumubuo sa halos kalahati ng total exports para sa nasabing buwan, ng 4% mula sa nakaraang taon.

Ang iba pang top exports noong Mayo na machinery and transport equipment ay tumaas ng 29.3% mula sa nakalipas na taon, nagpapahiwatig ng malakas na domestic activity. Tumaas naman ng 1.5% ang iba pang manufactures, na iniranggong pangatlo, habang ang wood crafts at furniture ay tumaas ng 49.7%. (Reuters)

Marian, nakasungkit muli ng Best Actress award dahil sa 'Balota'