IAN VENERACION copy copy

NAUNA nang itinanggi ng kampo ni Ian Veneracion ang tsismis na si Jessy Mendiola ang cause nang paghihiwalay ng aktor at ng kanyang asawa.

Sa isang presscon, itinanggi rin ni Jessy ang pagkakaugnay kay Ian.

“Grabe ang balitang ‘yun. Nagulat ako at sino ba ang hindi magugulat? Parang out of nowhere. Kayo nga (press people) nagulat. It’s okay, I get issues naman like girlfriend ako ni ganito kaya ako maraming shows. It’s not new to me to get weird issues,” sagot ni Jessy.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pakiusap ni Jessy, tigilan na ang pagdawit sa kanya sa personal na buhay ni Ian.

“May pamilya si Ian at kung parte ako ng pamilya niya, masasaktan din ako. Sana ang mga tao, medyo mag-mellow down naman sa mga malicious na sinasabihan nila ng mga ganyan.”

Naniniwala si Jessy na mawawala ang isyu sa kanila ni Ian kung hindi na masyadong pag-uusapan at hindi na itatanong sa kanya. Kaya ang pakiusap niya sa mga reporter sa presscon, huwag na lang pag-usapan.

“Dating” naman ang description ni Jessy sa relasyon nila ni Luis Manzano. Sinundan lang niya ang sinabi rin ni Luis sa estado ng relasyon nila. Pogi points kay Luis ang pahayag ni Jessy na, “Any girl would be lucky to be with him.”

Nang tanungin kung boyfriend material si Luis, “He’s even husband material” ang mabilis na sagot ni Jessy.

  

Last May pa lang nagsimulang manligaw sa kanya si Luis at talagang ipinararamdam nito na espesyal siya. Ang feeling ng mga reporter, wala nang masyadong ligawang mangyayari sa dalawa at magiging sila na. (NITZ MIRALLES)