AIKO AT SHAHIN copy

INAMIN ni Aiko Melendez na nasasaktan siya sa panghuhusga ng mga tao tungkol sa relasyon nila ng kanyang 28 year-old Persian boyfriend. Aniya, may mga paratang pa raw sa kanya ang bashers.

“Kahit sino naman, eh, masasaktan sa mga paratang nila. Bakit kasi ayaw nilang tanggapin na maging masaya naman ako?”sabi ni Aiko.

May ilang detractors pang diretsahang nagsasabi sa kanya na hindi raw magtatagal ang kanilang relasyon. Napakalaki raw kasi ng agwat ng edad nila, 40 years old na ngayon si Aiko.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kaya ang may himig pakiusap na sabi ni Aiko, sana ay huwag naman siyang husgahan agad. Gusto niyang patunayan sa na mali ang mga akusasyon sa kanya.

“Sana huwag naman nila akong husgahan agad,”pakiusap ni Aiko.

Dagdag pa ni Akikay, marami namang nagiging matagumpay na relasyon kahit malayo ang agwat ng edad sa isa’t isa. Hindi lang naman daw sa showbiz nagkakaroon ng May-December affair kundi maging sa ordinaryong mga tao pero mas matibay pa nga raw ang pagsasama ng mga ito kaysa lovers na magkaedad lang. (JIMI ESCALA)