SUNSHINE AT MGA ANAK copy

HINDI pala planado o hindi sinasadya ang pagkikita sa Resorts World ni Cesar Montano at ng tatlong anak niya kay Sunshine Cruz. Lumabas sa social media ang litrato ni Cesar kasama ang tatlong anak na babae, na ipinaliwanag naman agad ni Sunshine.

“Sa maraming text at sa mga nagtatanong sa akin, for the record naman, eh, kasama ko ang mga anak ko, Dupaya Family, and sis Ynez for my advance dinner sa Resorts World. My ex-husband with his brother and maybe some friends were there too,” sey pa ni Shine.

Pero ayon pa sa isa sa stars ng Dolce Amore, magkaiba ang restaurant na kinaroroonan nila. Mula sa restaurant na kinainan niya ay may dalawang restaurant na nakapagitan sa kinaroronan naman ni Cesar at ng mga kasama nito.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“I believe that it was meant to happen. Same time and same place pa kaya alam ko si God ang kumilos. Siyempre, naramdaman kong my kids medyo tensed but excited when they learned and saw their father,” dugtong pa ni Shine.

Hindi siya nagdadalawang-isip na utusan agad ang mga anak niya na lapitan ang ama at halikan. Kasama ng mga anak niya na lumapit kay Cesar ang best friend niyang negosyanteng si Ms. Kathy Dupaya.

“Hindi naman kasi ako lumapit at pinili kong maghintay sa upper level. Sa totoo lang naman, kung tanunginin ninyo ako kung ano ang nararamdaman ko sa oras na ‘yun, eh, masaya ako sa pangyayari.

“I’ve been vocal ever since na kailangan ng mga bata ng ama sa buhay nila but unfortunately may mga bagay-bagay na nangyari at bilang isang ina, gagawin ko ang alam kong tama, ang proteksiyunan ang mga bata at irespeto ang kagustuhan nila,” banggit pa ni Sunshine.

Umaasa si Sunshine na magiging umpisa ang nangyari ng magandang relasyon ng mga anak niya kay Cesar.

“I know our kids deserve a good life because they are wonderful children. Sana maging maayos na talaga at sana huwag na muna ipilit na magkaron ng relationship ang kids sa mga taong alam niya at alam niyang nakasakit sa kanila,” lahad pa ng two-time Star Awards for TV best actress.

Dugtong pa ni Sunshine, sana ay sina Cesar, tatlong anak niya, at Diego Montano ang mag-usap-usap.

“Sana, eh, dahan-dahan lang muna at baka makaapekto na naman kasi sa mga bata,” sey pa ni Sunshine.

Samantala, pinasalamatan na ni Sunshine si Cesar sa ipinadala nitong birthday cake para sa kanya. (JIMI ESCALA)