BORACAY ISLAND – Nabalot ng tensiyon ang paggiba sa 14 na bahay sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan.

Sa bisa ng order mula sa Kalibo Regional Trial Court, giniba ang mga istruktura na kinabibilangan ng ilang bahay, tatlong three-storey na boarding house, at isang hotel.

Isang babae rin ang nag-iiyak at inatake sa puso habang pinanonood ang paggiba sa kanyang bahay sa Sitio Sinagpa sa Barangay Balabag.

Ikinagalit naman ni Malay Mayor Ciceron Cawaling ang dami ng pulis na nagsagawa ng demolisyon, dahil maaari umano itong magdulot ng pangamba sa mga turista. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog