Patay ang isang barangay kagawad ng Malabon City, na kilalang pursigido sa anti-drug campaign sa kanilang komunidad, matapos tambangan ng dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo sa Barangay Tugatog, kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Dapolito “Jojo” Sarto, kagawad ng Bgy. Tugatog.

Bagamat nakasuot ng helmet, pinaputukan pa rin ng mga suspek ang biktima sa ulo at sa katawan na agad niyang ikinamatay.

Pauwi na ang biktima sakay sa kanyang Yamaha motorcycle nang tambangan ng dalawang suspek sa tapat ng barangay hall, dakong 11:00 ng umaga.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Naniniwala ang pulisya na sinundan ng mga suspek ang biktima bago ito pinaputukan pagsapit sa Tugatog Street.

Ayon sa mga residente sa lugar, mahigpit si Sarto sa pagpapatupad ng anti-drug campaign sa kanilang komunidad na posibleng pinag-ugatan ng matinding galit ng mga drug offender.

At sa tuwing may maaarestong drug pusher o user si Sarto ay agad nitong kinakasuhan ang mga suspek sa korte. (Ed Mahilum)