Ni MERCY LEJARDE

Rhian Ramos
Rhian Ramos
NITONG nakaraang Biyernes, kahit super lakas ng ulan dahil sa bagyong Butchoy ay itinuloy pa rin ng Kapuso Network ang presscon ng kanilang bagong afternoon series titled Sinungaling Mong Puso na remake ng pelikula nina Vilma Santos, Gabby Concepcion at Aga Mulach.

In pernes, present naman ang buong cast headed by Rhian Ramos at Rafael Rosell.

During the Q&A portion, yours truly asked Rhian kung anong challenge ang maaari niyang harapin at paano niya ma-o-overcome ang challenges bilang bilang Clara na dating ginampanan ni Ate Vi?

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“‘Yung challenge? Lahat, ha-ha-ha. First of all, iba siya kasi may pagka-sexy nga ‘yung role, challenge na ‘yon para sa akin. Sa first episode pa lang, feeling ko, ­maki­kita na ang kuyukot ko! Ha-ha!

“Medyo nagkaroon din naman ako ng experience na in love ka sa isang tao pero puwede palang ma-in love uli, so mahirap pumili kung sino ba talaga ‘yung dapat, so ‘yun ang magiging struggle ko dito sa serye namin, kakaririn ko ‘yon, ha-ha-ha.”

She added na dahil Vilma Santos ang gumanap noon bilang Clara sa SMP ay very intimidating para sa kanya ang nasabing role. Dahil hindi naman daw siya Vilma Santos at si Ate Vi lang ang makakagawa ng ganoong role in her own way, kaya effort to the max siya in her own way also.

Co-star nina Rhian at Rafael sa SMP serye sina Michael de Mesa, Glydel Mercado,Cheska Diaz, Sherilyn Reyes, Stephanie Sol, Gee Canlas, JC Tiuseco, Gab de Leon,and Kiko Estrada sa direksiyon ni Ricky Davao. Sa July 18 na ang pilot airing nila.