Ni REGGEE BONOAN

James & NadineHINDI nagustuhan ng die-hard JaDine (James Reid at Nadine Lustre) fans ang pagkakaurong ng JaDine Love Philippine Tour sa Bacolod City na gaganapin dapat sa Agosto 13. Pero dahil sa taping ng kanilang bagong seryeng Til I Met You na malapit nang ipalabas, sa Oktubre 22 na ito magaganap.

Humingi ng paumanhin ang Viva Live at ABS-CBN management tungkol dito.

Naririto ang kanilang official statement: 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“ABS-CBN and Viva Live regret to announce that the Bacolod leg of the JaDine Love Philippine Tour, originally scheduled on August 13, will be moved to October 22 due to their teleserye taping. The postponement will facilitate the early airing of their new soap.

“Tickets purchased for the August 13 show will be honored on the rescheduled date, or maybe refunded at any SM Ticket outlets.  For any questions and inquiries, please call Viva Live at 687-7236.

“We apologize for this inconvenience and we are looking forward to giving JaDine fans in Bacolod another memorable live Kapamilya experience.”

Katwiran ng JaDine fans, matagal na nila itong pinaghandaan at pinag-ipunan lalo na ang mga taga-ibang bansa na nagpaalam sa kanilang mga trabaho para lang mapanood ang kanilang paboritong love team sa Pilipinas.

Naloloka rin ang iba kasi nga may advance booking sila sa hotels kaya paano nga naman iyon kapag kinansela nila, wala naman silang makukuhang reimbursement.

Pero naiintindihan naman ito ibang supporters ng JaDine at wish nila ay hindi mangyari ito sa Davao show. Sabi nga ni @lai.style, “Hope this won’t happen in Davao kasi may ticket na kami and naka-book na rin kami sa hotel. Kahit wala pa kaming ticket for the concert inagahan namin ang pagkuha ng airfare ticket and hotel. Di po biro ang gastos namin.”