KRIS_PAKIKUHA PO ANG LAST PHOTO SA KANAN copy

SIGURADONG ikokonek kay Quezon City Mayor Herbert Bautista ang pagpunta ni Kris Aquino sa Salu Restaurant na pagmamay-ari ng mag-asawang Romnick Sarmenta at Harlene Bautista na kapatid ni Mayor Herbert.

Ipinaalam ni Kris ang pagpunta niya sa naturang resto sa pamamagitan ng Instagram dahil ipinost niya ang in-order niyang ukoy na may comment pa siyang, “Thanks for helping me today @harlenebau.”

Gustong malaman ng mga usisera ang rason kung bakit nagkita sina Kris at Harlene at kung anong tulong ang ibinigay ni Harlene kay Kris.  

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May mga nagkomento at nang-intriga na kaagad na friends pala sina Kris at Harlene. Pero hindi na nag-react si Kris at hinayaang mag-isip ang kanyang followers sa rason ng pagkikita nila ni Harlene.

Samantala, tuloy ang pagtanggap ng mga bulaklak ni Kris na hindi sinasabi kung kanino galing. Ang pinangalanan lang niya ay ang padalang rainbow roses ni Kim Chiu, the rest boquet of flowers na kanyang natatanggap at ipino-post, hindi sinasabi ni Kris kung kanino galing, kaya sabay-sabay tayong manghula. (Nitz Miralles)